BATAS NA MAGTATAYO NG REGIONAL SPECIALTY CENTERS SA BANSA, NILAGDAAN NA NI PANGULONG MARCOS, JR.

 


Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinang Marcos, Jr. ang batas na magtatayo ng specialty centers sa bawat rehiyon, kung saan nakaantas ang Department of Health (DOH) sa nasabing mga proyekto.

 

Sa inilabas na press release ng Malacañang nitong Agosto 29, inaprubahan ni Marcos noong Agosto 24 ang Republic Act (RA) 11959 o “An Act Establishing Specialty Centers in Department of Health Hospitals in Every Region and in Government-owned or -Controlled Corporation Specialty Hospitals and Appropriating Funds Therefor.”

 

Iminamandato sa nasabing batas ang DOH na gumawaga ng special center sa DOH hospitals sa kada rehiyon, kabilang na rito ang government-owned o -controlled hospitals.

 

Nakasaad sa batas na kailangan mayroong centers para sa: cancer care, cardiovascular care, lung care, renal care and kidney transplant, brain and spine care, at, trauma care and burn care.

 

Dagdag pa rito, kailangan din magkaroon ng centers na madaling lapitan at puntahan ng publiko tulad ng: orthopedic care, physical rehabilitation medicine, infectious disease and tropical medicine, toxicology, mental health, geriatric care, neonatal care, dermatology, eye care, and ear, nose, and throat care.

 

Base naman sa Philippine Health Facility Development Plan, ika-clacify ang naturang mga centers bilang National Specialty Centers (NSCs), Advanced Comprehensive Specialty Centers (ACSCs), at Basic Comprehensive Specialty Centers (BCSCs).

 

Sa ngayon, hindi pa klaro kung kasama ang regional specialty centers sa pondo ng 2024 National Budget na kasalukuyang pinag-aaralan sa Kongreso. | JOHN RONALD GUARIN

 

(via Rappler)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog