NADINE LUSTRE, WAGI BILANG BEST ACTRESS SA FAMAS 2023



Naiuwi muli ni Nadine Lustre ang Best Actress award sa ginanap na 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).

Napanalunan ito ng aktres sa kaniyang mahusay na pagganap bilang Kichi sa pelikulang “Greed” kung saan nakatambal nito ang aktor na si Diego Loyzaga.

Ito na ang ikalawang beses na naiuwi ni Nadine ang FAMAS Best Actress Award dahil matatandaan na taong 2019 ay siya rin ang tumanggap ng nasabing parangal para sa pelikulang “Never Not Love You”.

Samantala, kinilala naman ang aktor na si Noel Trinidad bilang Best Actor sa kaniyang pag ganap sa pelikulang “Family Matters” ng Cineko Productions. |Ni Ma Joy Reyes

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog