10 HANGGANG 20 MGA BANGKAY, POSIBLENG MADISKUBRE SA ISANG ARAW SA LOOB NG PATULOY NA WILDFIRE SA MAUI, HAWAII
Ni John Ronald Guarin
Dahil sa malawakang wildfire
sa Maui, Hawaii, inaasahan na ng mga otoridad na posibleng umabot sa 10
hanggang 20 na mga bangkay ang kanilang madiskubre sa loob ng isang araw.
Ayon kay Hawaii Governor Josh Green,
mahigit 1,300 na mga residente pa sa lugar ang naiulat na nawawala at posibleng
umabot sa 300 ang makikita nilang wala ng buhay sa loob ng 10 araw.
“There are more fatalities
that will come. The fire was so hot that what we find is the tragic finding
that you would imagine. … It’s hard to recognize anybody. But they’re able to
determine if someone did perish,” pahayag ni Green sa CBS.
Dagdag pa ng goberrnador, nawala
na ang mga gusali at bahay sa Maui at maging ang bakal doon ay patuloy na natutunaw
dahil sa sobrang init. Ikinumpara pa ito na parang “nabomba” ang kanilang lugar.
As of 2:36 pm ng Martes, August 15, nasa 96 na ang mga namatay dahil sa naturang trahedya.
Via CBS News, New York Post

0 Comments