MOUNT ETNA SA ITALY, SUMABOG, CATANIA AIRPORT ISINARA

 


Kanselado ang lahat ng mga flights sa Catania international airport sa Sicily matapos muling sumabog ang Mount Etna na malapit sa lugar.

Ayon sa report, nagsimula ang pagputok ng bulkan Lunes ng gabi sa lugar kung saan nagbuga ito ng maraming lava at abo sa nasabing Mediterranean island.

Dahil dito, pinayuhan ng otoridad ang mga pasahero na siguruhin muna sa mga airlines ang flight bago pumunta sa naturang paliparan para makaiwas abala.

Ipinag-utos na rin ni Catania Mayor Enrico Trantino ang pagbawal sa paggamit ng motorsiklo at bisikleta sa lugar dahil natabunan na nang makapal na abo ang mga kalsada.

Nabatid na ang Catania ay isang sikat na tourist destination na dinadayo ng mga turista dahilan na marami ang naabala sa pagputok ng bulkan.

Napag-alamang huli itong sumabog taong 1992 na kumitil ng mahigit 70 buhay. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog