MISTER NA GALING SA TRABAHO, HINAMPAS NG UPUAN NG NAKAINOM NA MISIS



Dumulog sa Kalibo PNP para humingi ng payo ang isang mister matapos itong hampasin ng upuan ng kanyang misis nang gabihin sa pag-uwi galing sa kanyang trabaho.

Ayon sa salaysay ng hindi na pinangalanang mister na residente ng C. Laserna St. Kalibo, ginabi ito sa pag-uwi sa kanilang bahay mula sa trabaho nang pagdating ay pinagalitan ito ng nakainom na misis hanggang sa nauwi sa panghahampas ng upuan.
Sinasabing nakipag inuman si misis kahit na may inaalagaan itong anak na sanggol.
Nagdesisyon naman si mister na pabigyan na muna ang asawa at pinayuhan ito ng mga pulis na magpa-blotter kung sakaling maulit ang nasabing pananakit sa kanya.

Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog