APATNAPU'T DALAWANG APEKTADO NA HOG RAISERS SA KALIBO, NAKATANGGAP NG AYUDA MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG AKLAN


Nasa apatnapu't dalawang mga benepisyaryo ang nakatanggap ng financial assistance magmula sa Aklan Provincial government sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian matapos na tumama sa mga alagang baboy ang nakakamatay na virus na ASF.

Ito ang sinabi ni Mr. Uriel Las Piñas ng Municipal Agriculture Office sa panayam ng Radyo Bandera News Team kaugnay sa hinihintay na ayuda ng mga apektadong hog raisers.

Ani Las Piñas, itong mga nakatanggap ng ayuda ay ang mga hog raisers na nag-report na namatayan ng mga alaga, nag positibo o nagsagawa ng culling dahil sa naturang virus.

Depende rin aniya sa edad at bilang ng mga namatay na alagang baboy ang matatanggap na cash assistance ng mga benepisyaryo.

Binigyang-diin din nito na naka depende sa quick response fund ng LGU kung posible ba na mabigyang muli ng tulong pinansyal ang mga nakatanggap na ng ayuda mula sa Province.

Kaugnay dito, ipinasiguro naman ni Las Piñas na unang batch pa lamang ito ng mga makakatanggap at inaasahan pa na madadagdagan dahiil hanggang sa kasalukuyan aniya ay mayroon pa rin na mga pinoproseso para maging benepisyaryo. 

Samantala inihayag rin ni Las Piñas na aabutin pa ng isa hanggang dalawang taon bago bumalik sa normal ang sitwasyon matapos ang pagtama ng nasabing virus sa mga baboy. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog