MGA NASAWI SA PANANALASA NG WILDFIRE SA HAWAII, PUMALO NA SA 53

 


Umakyat na sa 53 ang mga nasawi habang mahigit 1,000 na istruktura ang natupok dahil sa patuloy na pananalasa ng wildfire sa Hawaii.

Ang nasabing datos ay kinumpirma ni Hawaii Gov. Josh Green at posible pa umano itong tumaas kapag hindi pa maapula ang apoy sa Maui.

Ang nasabing insidente ay itinuturing na pinakamatindi sa kasaysayan simula 1961 pagkatapos ng 61 na namatay sa tsunami sa Big Island.

Libo-libong katao na ang inilikas bunsod ng malawakang sunog na kasalukuyang nasa Lahaina, isang resort town sa lugar.

Hindi pa matukoy ng otoridad ang pinagmulan ng nasabing wildfire pero ayon sa National Weather Service ay dahil ito sa mainit na panahon na sinabayan ng malakas na hangin.

Nangako naman si US President Joe Biden ng tulong sa mga naapektuhan at papayagan umano ang mga nasunugan ng bahay na mag-apply ng federal housing and economic recovery grants ng gobyerno. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog