FOREIGN DIRECT INVESTMENT, BUMAGSAK SA 4-MONTH LOW NOONG MAYO



Bumaba sa four-month low noong Mayo ang investment inflows sa Pilipinas bunsod ng mababang pagpasok ng non-residents sa debt instruments sa nasabing buwan.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang foreign direct investment (FDI) net inflows ay nasa $488 million noong May 2023, nagtala ng 34.0% na pagbaba mula sa $739 million sa kaparehong buwan noong 2022, at mababa rin sa $876 milyon noong Abril.

Ito rin ang pinakamababa sa loob ng apat na buwan mula nang maitala ang FDI net inflows sa $448 million noong Enero.

Samantala, ang net investments sa equity capital ay tumaas ng 158.7% sa $235 million mula $91 million, kasama ang reinvestment of earnings na bumaba ng 5.4% sa $91 million mula $96 million. |Ni Jurry Lie Vicente

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog