MGA NAMATAY SA BAGYONG EGAY AT FALCON, PUMALO NA SA 29

 

MGA NAMATAY SA BAGYONG EGAY AT FALCON PUMALO NA 29


Umakyat na sa 29 ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng dalawang bagyong Egay at Falcon na nagpalakas sa Southwest Monsoon o Habagat na nakaaapekto sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga naiulat na namatay ay mula sa Ilocos, Western Visayas, Davao, at Cordillera Administrative Region.

Samantala nasa 11 naman ang nananatiling missing at patuloy pang pinaghahanap sa ngayon.

Maliban dito, nagtala rin ng hindi bababa sa 140 hanggang 165 ang nasugatang indibidwal dahil sa sama ng panahon na dala ng bagyo.

Ayon sa NDRRMC, umakyat sa 3,028,040 o katumbas ng 805,621 na pamilya ang naapektuhan sa bansa, at 56,694 na mga bahay ang nasira ng dumaang dalawang bagyo at habagat. |Ni Rio Trayco

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog