FRENCH NATIONAL PATAY NANG MAHULOG SA INAKYAT NA GUSALI

 



FRENCH NATIONAL PATAY NANG MAHULOG SA INAKYAT NA GUSALI


Patay ang isang social media stunt photographer at French daredevil matapos mahulog sa inakyat na skyscraper sa Hong Kong.

Ayon sa report inakyat ng 30-anyos na si Remi Lucidin na kilala rin sa tawag na ‘Remi Enigma’ ang 68th floor ng Tregunter Tower bago ito nahulog at binawian ng buhay.

Tinangka pa umanong pigilan si Lucidin ng nakakitang maid sa kanya sa kalagitnaan ng kanyang plano na pumunta sa itaas na bahagi ng gusali.

Sa inisyal na imbestigasyon nakapasok ito sa building nang sabihin sa mga guwardiya na may kaibigan itong pupuntahan sa ika-40 palapag, pero kalaunan ay nalamang hindi ito totoo.



Napag-alamang marami nang mga matataas na gusali ang naakyat ni Lucidin sa Hongkong na ipinost nito sa kanyang Instagram bago ito nahulog at namatay.

Narekober ng otoridad ang sports camera nito at nadiskubre ang maraming videos ng extreme sports activities ag sa mga tuktok ng skyscrapers.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad sa Hongkong at ibinigay na ang mga gamit nito sa French consulate. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog