HOLLYWOOD ACTORS, NAGBIGAY NG TULONG-PINANSYAL SA KAPWA PERFORMERS NA NAGWE-WELGA

 



HOLLYWOOD ACTORS, NAGBIGAY NG TULONG-PINANSYAL SA KAPWA PERFORMERS NA NAGWE-WELGA


Nagbigay ng tig-$1 milyon na donasyon ang ilang sikat na Hollywood actors at actresses sa SAG-AFTRA Foundation upang suportahan ang pagwewelga ng mga writers at kapwa performers.

Inanunsyo naman ng nasabing foundation na nakalikom na sila ng halos $15 milyon na donasyon sa loob ng tatlong linggo.

Kabilang sa mga nagbigay ng tulong-pinansyal sina George at Amal Clooney, Luciana at Matt Damon, Leonardo DiCaprio, Hugh Jackman at Deborra-lee Furness, Dwayne Johnson, Nicole Kidman, Jennifer Lopez, at Ben Affleck, Ryan Reynolds at Blake Lively, Julia Roberts, Arnold Schwarzenegger, Meryl Streep, at Oprah Winfrey.

Napag-alamang nito pang buwan ng Mayo nagsimulang magsagawa ng strike ang ilang film at TV writers dahil sa mababang sahod. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog