MAHIGIT 29,000 KATAO SA WESTERN VISAYAS, APEKTADO NG HABAGAT NA PINALAKAS PA NG BAGYONG GORING

MAHIGIT 29,000 KATAO SA WESTERN VISAYAS, APEKTADO NG HABAGAT NA PINALAKAS PA NG BAGYONG GORING

Ni John Ronald Guarin

 

Umaabot sa mahigit 29,000 na mga indibidwal ang apektado ng habagat na pinalakas pa ng bagyong Goring.

 

Sa rekord ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-VI, as of 11:00 AM nitong Agosto 29, nasa 67 na kabaranggayan ng Negros Occidental, Iloilo at Antique ang naapektuhan ng malalakas na pag-ulan.

 

Ayon kay Office of the Civil Defense information officer Cindy Ferrer, aabot sa 2,503 katao ang inilikas at inilagay sa evacuation centers.

 

Inihayag din ni Ferrer na tataas pa ang numero dahil unti-unti ring dumadating ang karagdagang naisumiteng report mula sa iba pang municipal disaster risk reduction and management council, dagdag pa ng patuloy na pag-ulan sa mga bayan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog