MGA HOG RAISERS NA APEKTADO NG ASF SA BAYAN NG IBAJAY, NAKATANGGAP NG AYUDA



Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Ibajay mula sa Aklan provincial government.

Ito ay para matulungan na makabangon mula sa pagkalugi ang mga nag-aalaga ng baboy sa lugar sa ilalim ng programang "Ayuda para sa mga naapektuhan ng ASF".

Magugunitang nauna nang namahagi ng financial assistance ang gobyerno probinsyal sa ibang bayan sa Aklan na lubhang apektado ng nasabing sakit ang mga alagang baboy.

Nabatid na milyon-milyong halaga ng pork porducts ang nawala matapos kumalat ang ASF sa probinsya na ikinalugi ng mga hog farmers. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog