‘MALL VOTING,’ BALAK ISAGAWA NG COMELEC SA 2025

 


‘MALL VOTING,’ BALAK ISAGAWA NG COMELEC SA 2025

Ni Rio Trayco

 

Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na ilunsad ang pagboto sa mga malls sa buong bansa sa darating na eleksyon sa taong 2025.

 

Ayon sa ahensya isa sa mga dahilan nito ay para hindi na maabala ang pag-aaral ng mga estudyante tuwing may gaganaping halalan dahil hindi na gagamitin ang mga paaralan bilang polling centers.

 

Sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre ay susubukan ng Comelec na magsagawa ng botohan sa 10 malls sa Metro Manila, Cebu at Legaspi City.

 

Kung matutuloy ang pinaplano sa 2025, aabot sa 400 hanggang 500 malls ang gagamitin para sa halalan sa buong bansa.

 

Nilinaw naman ng Comelec na walang gagastusin ang gobyerno sa naturang plano dahil ipapagamit ng pamunuan ng mga malls ang kanilang pasilidad ng libre.

 

Sang-ayon naman dito ang election watchdog na Lente basta ilagay umano sa ground floor ang botohan para hindi mairapan ang mga senior citizens, persons with disability at mga buntis sa pagboto.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog