Photo Courtesy: Doniel Aguirre via Radyo Natin
MENRO KALIBO, TINALAKAY ANG IMPLEMENTASYON NG NO-SMOKING-POLICY
SA BAYAN NG KALIBO
Binigyang atensyon ng Municipal Environment and Natural
Resources Office (MENRO) Kalibo ang implementasyon ng No-Smoking-Policy sa
bayan ng Kalibo sa isinagawang Smoking Cessation Orientation-Seminar nitong
Hulyo 28, 2023.
Tinalakay sa naturang Orientation-Seminar ang tungkol sa “Harmful
Effects of Smoking” at “Help to Quit Tobacco Use”.
Tinatayang nasa mahigit 100 empleyado ng munisipyo ang
dumalo sa naturang aktibidad mula sa iba’t-ibang opisina ng LGU Kalibo.
Nabatid na ang implementasyon ng No-Smoking-Policy ay
alinsunod sa Municipal Ordinance No. 2016-008 ng lokal na pamahalaan ng Kalibo. |
0 Comments