COFFEE INDUSTRY SA WESTERN VISAYAS, MAS PALALAKASIN PA

 


COFFEE INDUSTRY SA WESTERN VISAYAS, MAS PALALAKASIN PA

Ni John Ronald Guarin

 

Nagpulong sa Iloilo City ang nasa 60 na coffee industry players sa Western Visayas para sa dalawang araw na sustainable planning at localization ng 2021-2025 Philippine Coffee Industry Roadmap na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) Western Visayas.

 

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga magsasaka, processor, trader, coffee shop owners, academe at mga national government agency mula sa anim na mga probinsya sa rehiyon.

 

Kasama rin ng DTI ang ACDI-VOCA at ang PhilCafe Project.

 

Ayon sa DTI Western Visayas, pinag-usapan nila ang mga stratehiya at plano para palakasin pa ang industriya ng lokal na kape.

 

Umaasa ang DTI-WV na makikilala pa ang mga lokal na kape hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa world market.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog