LGU KALIBO, NAGHAHANDA NA PARA SA TOURISM MONTH CELEBRATION AT PHILIPPINE TRAVEL MART

 



LGU KALIBO, NAGHAHANDA NA PARA SA TOURISM MONTH CELEBRATION AT PHILIPPINE TRAVEL MART


Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Kalibo para sa gaganaping Tourism Month Celebration at Philippine Travel Mart ngayong taon.

Kaugnay dito, nagsimula nang makipag-ugnayan ang Tourism and Cultural Affairs Division (TCAD) sa mga negosyante lalo na sa sektor ng turismo upang mapaghandaan ang pakikilahok ng LGU sa naturang aktibidad. 



Nagsagawa na rin ng mga pagpupulong ang TCAD para ipakita sa Tourism sector ang mga inihandang aktibidad ng munisipyo sa pamumuno ni Kalibo Mayor Juris Sucro. 

Samantala, nakatakda namang lalahok ang mga Pasalubong Centers sa aktibidad ng LGU sa darating na Setyembre sa selebrasyon ng Tourism Month sa pamamagitan ng Experience Kalibo Campaign gayundin sa 34th Philippine Travel Mart sa Setyembre 1 hanggang 3, 2023 sa SMX Convention Center, Pasay City. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog