VISAYAS WEATHER UPDATE | AUGUST 13, 2023

 


VISAYAS WEATHER UPDATE | Ang buong Visayas at Hilagang bahagi ng Palawan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat.

 

Ang natitirang bahagi ng Palawan kasama ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms.

 

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.

 

Mahina hanggang sa Katamtaman na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa buong Visayas na may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon sa karagatan. | (valid until August 14, 2023 – 5:00 pm)

 

via DOST PAGASA

| John Ronald Guarin

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog