Umaasa ang hanay ng mga kapulisan na magpapatuloy ang mapayapa at maayos na implementasyon ng COMELEC gun ban hanggang sa huling araw na ipapatupad ito sa November 29.
Ito ang sinabi ni LTCOL Bernard P. Ufano, Deputy Provincial
Director for Operation ng APPO sa panayam ng Radyo Bandera News Team, kasabay
ang kick off ceremony ng gun ban, ngayong araw.
Aniya alas-12 kanina ng madaling araw ay sabay-sabay na ikinasa ang checkpoint sa lahat ng mga munisipalidad sa probinsya bilang hudyat ng election period.
Ani ni Ufano, simula ngayong araw ay ipagbabawal na ang pagdadala hindi lamang ng mga armas kundi maging ang anumang uri ng deadly weapon.
Habang, nilinaw naman nito na ang mga patalim na maituturing din na deadly weapon na ginagamit sa trabaho ay magiging exempted, ngunit kung mahuhuli ito na dala-dala sa ibang lugar partikular sa mga inuman ay mahaharap ito sa kaukulang parusa.
Kaugnay dito, ngayong unang araw ng pagpapatupad ng checkpoint inihayag ni Ufano na wala pang nahuhuli na lumabag at pawang sumusunod naman ang lahat sa naturang kautusan.
Samantala, ipinasiguro din nito na hanggang sa kasalukuyan ay
wala pang maituturing na areas of concern sa probinsya kaugnay sa nalalapit na
BSKE. |
0 Comments