BAGONG REAL ESTATE PROJET NG FILIPINO ENGINEER AT DATING PBB HOUSEMATE NA SI SLATER YOUNG, AGAW PANSIN SA SOCIAL MEDIA

 


Marami ang napa-wow sa bagong real estate project ng dating PBB housemate, engineer at content creator na si Slater Young.

Viral ito sa social media matapos itong ipinasilip sa kanyang vlog kung saan tinawag niya ang proyektong The Rise na parte ng Monterrazas sa Cebu.




Pinag-usapan ito dahil sa mamahaling presyo ng bawat unit na umaabot sa P388 million para sa Panorama Penthouse na may nakakabighaning view ng Cebu skyline.

Bagama’t marami ang naututuwa, may ilan namang nangangamba sa magiging epekto ng nasabing proyekto sa kalikasan, gayong base sa mga larawan ay kinakailangan nitong tapyasin ang bundok para maipatayo ang itsturktura.

Ayon kay Young, naging inspirasyon ng The Rise ang kilalang UNESCO World Heritage Site ng Pilipinas na Banaue Rice Terraces.

Ipinamamalaki nito ang metikulosong disenyo, malalawak na espasyo ng mga units at ang napakagandang view mula sa kinaroroonan ng nasabing property.


 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog