₱150K LIVELIHOOD ASSISTANCE, IPINAMAHAGI PARA SA KALIBO FOOD CART ASSOCIATION MEMBERS

 


₱150K LIVELIHOOD ASSISTANCE, IPINAMAHAGI PARA SA KALIBO FOOD CART ASSOCIATION MEMBERS

Ni Jurry Lie Vicente


Nasa ₱150,000 na livelihood assistance ang ipinamahagi para sa mga miyembro ng Kalibo Food Cart Association (KFCA) sa ilalim ng Project Kalibo, Inc., nitong Sabado, Agosto 19.

Ito ay magsisilbing insentibo para sa mga miyembro ng KFCA matapos ang kanilang ipinangakong paglahok sa emergency fund-saving sa loob ng isang taon.

Maliban dito, natapos din ng mga miyembro ng KFCA ang application forms ng BDO Network Bank upang mabuksan ang kanilang mga individual savings passbooks kung saan ilalagay ang kanilang emergency fund savings.


Nagpaabot din ng suporta ang Project Kalibo, Inc. sa mga miyembro ng KFCA sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga libreng serbisyo tulad ng pag-photocopy ng kanilang mga valid ID at pag-imprenta ng kanilang mga 1x1 na litrato.

Ang KITA Initiative ng Project Kalibo ay sinusuportahan ng YouthLed PH ng USAID - US Agency for International Development at The Asia Foundation, at U.S. Department of State sa pamamagitan ng Young Southeast Asian Leaders Initiative nito.

 

Via KITA Initiative

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog