MALAY PNP PERSONNEL, SUMAILALIM SA SURPRISE DRUG TESTING


 

MALAY PNP PERSONNEL, SUMAILALIM SA SURPRISE DRUG TESTING

 

Sumailalim ang kabuuang 290 na tauhan ng Malay Municipal Police Station sa surprise drug testing sa Malay Municipal Police Station Headquarters sa Isla ng Boracay Island, Malay. 

Ayon kay PLTCOL DAINIS O AMUGUIS, Officer-In-Charge ng Malay PNP, ginawa ang surprise drug testing sa mga commissioned, non-commissioned at non-uniformed personnel ng nasabing Municipal Police Station. 

Kaugnay dito, mababatid naman na ang naturang surprise test ay alinsunod sa Article 3 Sec. 36 Paragraph (e) ng Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nag-uutos sa mga opisyal at empleyado ng mga pampublikong tanggapan na sumailalim sa random testing upang matiyak na ang mga ahensya ng gobyerno ay mananatiling drug-free. 

Dahil dito, 16,000 drug kits ang inihanda para sa buong Western Visayas Cops para sumailalim sa mandatory at random drug testing kung saan ang procedure ay pinangasiwaan ng Aklan Provincial Forensic Unit. 

Samantala, ang mga mapapatunayang positibo sa paggamit ng droga ay sasailalim sa summary dismissal proceedings ng Regional Internal Affairs Service. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog