LALAKING NAKAKABIT SA PAMPASAHERONG JEEP NG IGBARAS, NAHULOG-PATAY



LALAKING NAKAKABIT SA PAMPASAHERONG JEEP NG IGBARAS, NAHULOG-PATAY


Patay ang isang 20-anyos na lalaki matapos mahulog habang nakakabit sa pampasaherong jeep sa Crossing Barangay Jovellar, Igbaras, Iloilo noong Agosto 1, alas-2:40 ng hapon.

 

Kinilala ang biktima na si Alwyn Eterno, 20 anyos, residente ng Poblacion East, Oton.

 

Sa pahayag ni Police Lieutenant Martin Pugales, officer-in-charge ng Igbaras Municipal Police Station, lumiko ang jeep habang nakakabit sa likod na bahagi nito si Eterno, kung saan nakahawak ang isa niyang kamay sa steel ng jeep habang ang isa naman ay may hawak na cellphone.

 

Ayon kay Pugales, hindi inasahan ni Eterno na liliko ang jeep kaya ito ang naging rason kung bakit malakas ang pagkahulog nito sa kalsada.

 

Dahil dito, nagkaroon ng head injury at dugo sa tainga ang biktima at agad na dinala Guimbal District Hospital ngunit ni-refer naman ito sa Western Visayas Medical Center.

 

Sa kasamaang palad, noong Agosto 2 ng madaling araw, binawian ng buhay si Eterno.


Kaya naman pinaalalahanan ni Pugales ang mga drayber at kondukto na huwag na magpasakay ng mga pasahero kung hindi na kayang pasakayin sa loob ng jeep para maiwasan ang parehong insidente. | JOHN RONALD GUARIN

 

(report from Radyo Bandera Iloilo)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog