COMELEC AKLAN, NAKAPAGTALA NG HIGIT 2,000 KANDIDATO SA UNANG ARAW NG COC FILING



Umabot na sa 2,626 ang kabuuang bilang ng mga kandidato na nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa probinsya ng Aklan nitong Lunes, Agosto 28.

Ito ay kinabibilangan ng mga Punong Barangay, Sangguniang Barangay Members, Chairperson ng Sangguniang Kabataan at Sangguniang Kabataan Members.

Batay sa pinakahuling datos ng Commission on Election (COMELEC) Aklan, nasa 169 ang kabuuang bilang ng mga Punong Barangay na nakapaghain ng COC sa probinsya.

Sa nasabing numero, nangunguna ang bayan ng Nabas na may 16, New Washington-15, Banga-14, Malay-13, Batan-12 habang ang Kalibo naman ang nakapagtala ng pinakamababa na mayroon lamang tatlo.

Ang Sangguniang Barangay Members naman ay umaabot sa 1,218, Chairperson ng Sagguniang Kabataaan – 168, at Sangguniang Kabataan Members- 1071.

Mapapansin namang mataas kaagad ang numero ng mga kandidatong nagfile ng COC sa unang araw ng filing nito.

Samantala, nilinaw ng Comelec na unofficial pa lamang ang mga naitalang datos ng ahensya at posibleng madagdagan pa ito sa mga susunod na araw hanggang sa huling araw ng filing ng COC sa Setyembre 2. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog