MAGSASAKANG SINILBIHAN NG SEARCH WARRANT, ITINANGGI ANG ALEGASYON NA NAGPAPAPUTOK NG BARIL SA KANILANG LUGAR


 

Aminado ang magsasaka na si Jovannie Montuya na pagmamay-ari nito ang mga bala at baril na nakuha dito ng mga otoridad matapos ang isinagawang pagsilbi ng search warrant sa kanilang tahanan nitong umaga. 

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay Montuya, kinumpirma nitong sa kaniya ang naturang armas na napulot lang din aniya nito sa palayan at agad na itinago, matagal na panahon na ang nakakalipas. 

Dagdag pa nito, matagal na rin niyang binabalak na isuko ang nasabing baril ngunit dala ng pagiging abala sa trabaho ay hindi pa rin niya ito nai-surrender sa mga kinauukulan. 

Itinanggi rin nito ang mga alegasyon na madalas siyang magpaputok ng baril sa kanilang lugar lalo na kapag nalalasing at may nakakaaway. 

Samantala, hawak na ngayon ng Banga MPS ang nasabing suspek at nakatakdang maharap sa kaukulang kaso. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog