GRUPO NG NAPOCACIA, BINIGYANG ATENSYON ANG PANGAKO NG GOBYERNO SA MGA NAAPEKTUHANG RESIDENTE NG EXPANSION NG KIA



Binigyang atensyon ng grupong Nalook, Pook, Caano, Estancia small farmers and home owners’ association (NAPOCACIA) ang tungkol sa ipinangako ng gobyerno sa mga residenteng naapektuhan sa expansion ng Kalibo International Airport.

Sa pahayag ni German Baltazar, spokesperson ng NAPOCACIA, sa Radyo Bandera Sweet FM Kalibo, may mga tauhan mula sa Department of Transportation (DOTr) na nag-iikot sa naturang mga lugar at winawasak nito ang ilang kabahayan.

Napag-alaman ding binabayaran ang mga tenant na nakatira roon.

Dagdag pa nito, tinatakot din umano ang mga ito habang pinapaaway din ang tenant at landowner.

Sinabi rin nito na may isang miyembro na nakaranas ng pang-harass ng DOTR at kinakasuhan ng may-ari kapag hindi pumirma.

Dahil dito, naiipit silang mga tenant sa mga pangyayari.  

Binanggit din nito na wala itong koordinasyon sa munisipyo dahil marami naman aniyang tumutulong na ahensya ngunit paulit-ulit pa rin itong nangyayari sa kanila.

Matagal na aniyang ipinaabot sa mga kinauukulang ahensya ang nasabing problema subalit wala pa ring solusyon para dito.

Binigyang diin nito na puro pangako lamang ang kanilang naririnig sa State of the Province Address (SOPA).

Kaugnay nito, nanawagan ito sa gobyerno na gawin ang tama at huwag nang mangako.|Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog