MABILIS NA PAGPROSESO SA MGA BIYAHERO, IPINANGAKO NG BI

 


Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na pabibilisin ang pagproseso sa mga biyahero ng hanggang 45 segundo kapalit ng mas malaking budget sa 2024.

Ayon kay Deputy Speaker Ralph Recto, nakasaad sa ‘Performance Information’ ng ahensya na pabibilisin ang pagproseso ng mga biyahero para sa dagdag na ₱2.63-billion na pondo.

Napag-alaman na umaabot sa ₱4.24-billion ang kabuuang pondo ng BI na gagamiting pambili ng mga bagong equipment.

Kaugnay nito, dapat aniyang magsimula ang 45-second processing sa pagpila ng pasahero at hindi lamang sa harap ng Immigration officer.

Nagpaalala rin ang mambabatas na dapat maramdaman ng mga Pilipino ang buwis na ibinabayad kapag bumibiyahe. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog