COMELEC, WALANG BALAK NA PALAWIGIN ANG FILING NG COC



 

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi nila palalawigin ang araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga gustong maging opisyal ng barangay.

Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco na naniniwala sila na sapat na ang Agosto 28 hanggang Setyembre 2 para makapagsumite ang mga nais tumakbo bilang brgy officials ng kanilang mga COC.

Paliwanag ng ahensya, kapag nagkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng kalamidad ay muli nilang pag-aaralan ang mga bagay kaugnay dito.

Nagpaalala rin si Laudiangco na huwag magpahuli ang mga nais tumakbo at sa halip ay agahan ang pagsusumite ng kanilang COC para hindi maatraso. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog