ILANG COC, IBINALIK NG COMELEC SA MGA NAGHAIN NG KANDIDATURA


 

Ibinalik ng Commission on Election (COMELEC) ang ilang Certificate of Candidacy (COC) sa mga naghain ng kanilang kandidatura ngayong araw, dahil karamihan sa mga ito ay kulang ang ibinigay na datos.

Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na hindi tinanggap ng ahensya ang ilang COC dahil nakitaan ito ng mga paglabag kagaya ng walang pirma, hindi notaryado, mali ang sukat ng ID photo.

Habnag may ilang naghain ng COC sa pagiging SK Chairman at SK Kagawad subalit hindi rin tinanggap dahil over-age na ang mga ito.

Kaugnay nito, nagpaalala si Garcia na magiging mahigpit sila sa pagtanggap ng mga COC at hindi nila hahayaang may makalusot dito. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog