DENGUE AT LEPTOSPIROSIS, MAS NAKAKABAHALA KUMPARA SA COVID – DOH


 
 

Nagbabala ang Department of Health sa publiko kaugnay sa dengue at leptospirosis na ngayon ay mas nakakabahala umano kumpara sa COVID-19 lalo na’t tag-ulan sa bansa. 

Paliwanag ni Health Secretary Teodoro Herbosa, ang mga tinatamaan ng COVID-19 ay mas mababa na kumpara sa dengue at leptospirosis at iba pang sakit gayundin ang bilang ng mga naoospital at namamatay dahil dito. 

Mababatid na mula nitong Enero hanggang Hulyo 22, nakapagtala na ng higit 85,000 kaso ng dengue sa buong bansa. Sa naturang bilang, nasa 299 ang iniulat na nasawi o may fatality rate na 0.37%. 

Sa kaso naman ng leptospirosis, nakapagtala ng kabuuang kaso na 2,079 mula Enero hanggang Hulyo 15, na may nasawi na 225 sa buong bansa. 

Habang nitong Agosto 4, mayroon na lamang 3,832 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang madagdagan ng 154 bagong kaso. 

Sa kabila naman nito ay pinaalalahanan ni Herbosa ang publiko na hindi pa rin dapat magpabaya dahil sa anumang oras ay maaari pa rin na magkaroon ng outbreak. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog