APPO,
HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA MAG-AVAIL NG LTOPF AND FIREARMS RENEWAL
Hinihikayat
ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang publiko na mag-avail ng kanilang
programa para sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at Firearms Renewal.
Ito ang
ipinaabot ni PSSGT Jane Vega ng APPO sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.
Aniya, nasa
400 slots ang binuksan ng APPO para sa mga sibilyan at kapulisan na gustong
mag-apply at mag-avail ng nasabing programa.
Ito ay bahagi
aniya ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) para sa loose firearms.
Binigyang-diin din nito na isa itong one stop shop kung saan maaring iproseso ng isang
aplikante ang mga dokumento kagaya ng neuro, medikal, drug test at iba pang
kakailanganin para sa pag-apply ng LTOPF at renewal ng armas.
Sinabi rin
nito na ang programa ay bukas para sa mga pulitiko, negosyante, private
individuals at mga kapulisan.
Samantala, umaapela rin ito sa publiko na suportahan ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng anti-criminality campaign sa probinsya ng Aklan. |Ni Jurry Lie Vicente
0 Comments