CAAP, NAGLABAS NG PAHAYAG KAUGNAY SA NATAGPUANG WRECKAGE NG NAWAWALANG 152 CESSNA PLANE


 

CAAP, NAGLABAS NG PAHAYAG KAUGNAY SA NATAGPUANG WRECKAGE NG NAWAWALANG 152 CESSNA PLANE

 

Naglabas na ng pahayag ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay sa natagpuang wreckage ng nawawalang 152 Cessna plane sa lalawigan ng Apayao.

Ayon sa CAAP, natagpuan ang naturang aircraft sa layong 50 kilometers mula sa Tuguegarao Airport kung saan ito inaasahang lalapag.

Habang natagpuan naman ito sa Sitio Matad, Brgy. Salvacion, Bayang Luna sa lalawigan ng Apayao.

Kinilala naman ang sakay ng naturang bumagsak na Cessna Plane na si Captain Edzel John Lumbao Tabuzo kasama ang kanyang student pilot na si Anshum Rajkumar Konde.

Samantala inihayag din ng CAAP na onsite na ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng kanilang tanggapan upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa naging dahilan ng naturang insidente. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog