BLACKPINK JISOO AT AHN BO-HYUN, NASA DATING STAGE NA

 

Photo Courtesy: Dispatch


BLACKPINK JISOO AT AHN BO-HYUN, NASA DATING STAGE NA


Kinumpirma ng YG at FN Entertainment na opisyal nang nasa dating stage ang Blackpink member na si Jisso at South Korean actor na si Ahn Bo-Hyun.

Ayon sa ulat ng Soompi, nakuhaan umano ng litrato ang dalawang Kpop stars na nagkikita sa bahay ni Jisoo dahilan na opisyal itong kinumpirma ng kani-kanilang mga agency.


Photo Courtesy: Dispatch


Si Ahn Bo-hyun, 35-anyos ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa ilang Korean series na Yumi’s Cells, Itaewon Class, at See You in My 19th Life.

Habang si Jisoo, 28-anyos ay nag-debut bilang miyembro ng K-pop girl group na BLACKPINK noong 2016 hanggang sa nagkaroon ito ng solo debut noong Marso.

Maliban sa musika, sinabak din ng Kpop star ang pag-arte matapos nitong pagbidahan ang 2021 drama na “Snowdrop” kasama ang katambal nitong si Jung Hae-In. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog