KAHIRAPAN, ISA SA MGA ITINUTURONG DAHILAN NG MATAAS NA KASO NG HUMAN TRAFFICKING SA AKLAN, MGA BIKTIMA HINDI AKLANON- PCMS ROBERTO

 


KAHIRAPAN, ISA SA MGA ITINUTURONG DAHILAN NG MATAAS NA KASO NG HUMAN TRAFFICKING SA AKLAN, MGA BIKTIMA HINDI AKLANON- PCMS ROBERTO

 

Kahirapan at kakulangan sa trabaho ang ilan sa mga itinuturong dahilan ng naitalang mataas na kaso ng human trafficking sa probinsya ng Aklan. 

Ito ang sinabi ni PCMS Lerlyn Roberto ng Kalibo MPS sa programang Foro De Los Pueblos, makaraang maiulat sa isinagawang Media Forum tungkol sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) na ang probinsya ng Aklan ang nangunguna sa lahat ng lalawigan at highly urbanized cities sa Western Visayas na may pinakamaraming Trafficking in Persons (TIP) na isinumite sa Prosecution Office mula 2004 hanggang Hunyo 2023. 

Ayon kay Roberto, ang Human Trafficking ay kapag nagkaroon ng pag-recruit sa maling trabaho, pag puwersa, pandaraya o panlilinlang sa mga tao na may layuning pagsasamantalahan ang mga ito. 

Ipinaliwanag rin nito na ang mataas na numerong naitala sa probinsya ay hindi nangangahulugang mula sa Aklan ang mga naging biktima nito kundi posibleng dito lamang naharang, dinala o nag-report ang mga ito. 

Kadalasan rin aniya sa mga nabibiktima nito ay ang mga kababaihan o kabataan na naghahangad ng mapabuti ang buhay. 

Inihayag rin ni Roberto na kadalasang nangyayari ang recruitment sa mga Baryo kung saan target nitong mga nangangako ng maling trabaho ang mga kapos sa buhay. 

Samantala, matatandaan na sa naturang Media Forum, lumalabas na may kabuuang 156 TIP cases na na-file sa buong Region 6, kung saan 41 rito ang nagmumula sa Aklan, na kinabibilangan ng 72 ang kaso ng prostitution, 38 ang sex trafficking, 27 sa labor trafficking, 8 sa pornography, 5 sa cybersex trafficking, 4 naman ang children in armed conflict at 2 sa pagbenta ng bata. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog