LABI NG 2 SAKAY NG BUMAGSAK NA CESSNA PLANE, NAREKOBER NA

 

Courtesy: 5th Infantry Division Philippine Army

LABI NG 2 SAKAY NG BUMAGSAK NA CESSNA PLANE, NAREKOBER NA  


Ibinaba ma mula sa crash site ang mga labi ng piloto at student pilot na sakay ng bumagsak na Cessna 152.

Sa ibinahaging larawan ng 5th Infantry Division Philippine Army, tumulong ang mga sundalo na buhatin ang mga labi pababa mula sa Luna, Apayao kung saan natagpuan ang eroplano.


Courtesy: 5th Infantry Division Philippine Army


Noong August 1 nawala ang single engine Cessna plane na may body number na RP-C8598 matapos itong mag take-off sa Laoag City airport pero hindi na ito nakalapag sa Tuguegarao City Airport gaya ng inaasahan.

Tumagal ng dalawang araw ang paghahanap sa naturang eroplano bago ito natagpuan ng search and rescue team sa kagubatan ng Luna.

Ito na ang pangatlong insidente na sangkot ang Cessna plane ngayong taon kung saan ang una ay naitala noong January 24, 2023 sa Isabela, pangalawa ay nitong February 18 sa probinsya ng Albay. |Ni Rio Trayco

 


 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog