NAWAWALANG CESSNA 152, NATAGPUAN SA APAYAO


 

NAWAWALANG CESSNA 152, NATAGPUAN SA APAYAO; 2, PATAY


Kinumpirma ng Civil Aviation Authority na natagpuan sa Luna, Apayao ang naiulat na nawawalang Cessna 152 matapos ang dalawang araw na paghahanap.

Naabutan ng search teams sa lugar ang wasak na Cessna 152, 50 kilometro ang layo mula sa dapat nitong destinasyon, ang paliparan ng Tuguegarao.

Habang, narekober naman sa Sitio Matad, Brgy. Salvacion ang patay na katawan ng piloto at ng student pilot na sakay ng training aircraft.

Batay sa ulat, nagpadala na ng grupo ng mga imbestigador ang CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AIIB) sa lugar na pinagbagsakan ng Cessna 152 upang suriin ang naturang aircraft, makakuha ng ebidensya at makausap ang ilang testigo na makakapagpatunay sa naging dahilan ng pagbagsak ng naturang aircraft.

Matatandaang naiulat na nawawala ang Cessna 152 noong Agosto 1 matapos itong lumipad mula sa Laoag International Airport ng 12:16 pm at nakatakdang dadating sa Tuguegarao Airport ng 3:16 pm. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog