KAMPO NI LUIS MANZANO LABIS ANG KASIYAHAN MATAPOS ANG KANIYANG PAGKA-ABSWELTO SA ESTAFA



Masayang-masaya ang kampo ni Luis Manzano matapos na maabswelto sa kasong syndicated estafa laban sa pamunuan ng Flex Fuel Petroleum Corporation. 

Matatandaang inireklamo ang Flex Fuel ng ilang investors na naglagak ng kanilang investment sa pangakong may parte sila sa Negosyo na sa huli ay wala ring natuloy sa ipinangakong ‘yon. 

Mababatid na si Medel ay childhood friend ni Luis at tumayo pang best man nang ikasal ito kay Jessy Mendiola at maging si Luis ay may dapat habulin na aabot sa P66 million investment. 

Itinanggi naman ng TV host-actor na may kinalaman siya sa scam dahil 2021 pa aniya ito nagbitiw bilang chairman of the board ng Flex Fuel. 

Samantala, wala pang response ang kampo ni Medel sa dahilang hindi pa raw nila nababasa ang reklamo. |Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog