KALIBO PNP, PREPARADO NA PARA SA NALALAPIT NA BSKE- PLTCOL BONTOGON

 


Ipinasiguro ngayon ni PLTCOL Ricky Bontogon ng Kalibo PNP, na handa na ang kanilang hanay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) 2023.

Sa isang press conference, inihayag ni Bontogon na naging maayos ang unang araw ng implementasyon ng PNP Comelec Checkpoint para sa Comelec Gun Ban, sa nasabing bayan. 

Dito ay muli rin nitong ipinaalala ang mga ipinagbabawal tulad ng pagdadala ng anumang uri ng deadly weapon/armas gayundin ang pagdadala ng mahigit P500,000 na halaga ng pera lalo na kung hindi naman negosyante. 

Sa kabila nito ay exempted naman aniya ang mga nagtatrabaho na kinakailangan ang mga patalim o anumang maituturing na deadly weapon basta’t magpakita lamang ng katibayan na gagamitin ito sa trabaho o maaari din na makipag-ugnayan sa bawat Barangay para sa certification/clearances. 

Habang sinabi din nito na may limitasyon ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng checkpoint kung kaya’t hiniling din nito ang kooperasyon mula sa publiko sa oras na madaan dito. 

Samantala, ipinasiguro din nito na mananatiling non-partisan ang mga kapulisan sa nalalapit na eleksyon kung kaya’t inaasahan na rin aniya nila na maililipat ng ibang lugar ang mga personnel na may hanggang 3rd degree na kamag-anak na nais tumakbo. |Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog