Pinuri ng Gilas Pilipinas head coach na si Chot Reyes ang naging performance ng koponan laban sa world no. 10 na Italy.
Sa kabila ng pagkatalo ng Gilas sa Italy kagabi sa score
na 90-83 sa 2023 FIBA World Cup sa Smart Araneta Coliseum.
"I'm very proud of the effort of our players,” ito ang
naging pahayag ni Reyes sa press conference matapos ang nasabing laro.
Nabatid na bigo ang koponan na maka-abante sa 2nd round ng
FIBA matapos itong matalo sa naunang laban kontra sa Dominican Republic sa
score na 87-82 at sa Angola sa 80-70.
"I couldn't ask for more. We just came up short but you
know, we continue to fight and that's all we can do," saad pa ni Reyes. |
0 Comments