WEATHER UPDATE | August 23, 2023



Binabantayan ngayon ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 570 km East ng Aparri, Cagayan habang patuloy naman na iiral ang Southwest Monsoon na makakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro ay makakaranas ng medyo maulap na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog-kanluran hanggang sa Kanluran ang mararanasan sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro.
Samantala, may banayad hanggang sa katamtaman naman na pag-alon sa karagatan ang iiral. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog