Pormal nang nag-umpisa
ang election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa
buong bansa, lalo na sa Western Visayas, kung saan maaga pang dumagsa ang mga aspirants
sa barangay at SK positions sa mga polling centers para sa filing ng kanilang certificate
of candidancy (COC).
Ayon kay Atty. Dennis
Ausan, Regional Director ng COMELEC-6, matagal na nilang pinaghahandaan ang
naturang eleksyon na gaganapin sa Oktubre 30, araw ng Lunes.
Dito sa Western
Visayas, inihayag ni Ausan na mayroong 15,622 ang clustered precincts na
gagamitin sa BSKE.
Samantala, mayroon
namang 5.1 milyong mga bontante para sa regular Barangay elections at nasa 1.7
milyon naman sa SK elections.
Dagdag pa nito, nakikiusap
naman si Ausan sa mga aspirants na magtanong at magpaturo sa kanilang local
Comelec officer sa pag-gill up ng mga COCs para masiguro na tama ang kanilang
isinusulat sa mga form. | JOHN
RONALD GUARIN
(via Radyo Pilipinas
Iloilo)
0 Comments