HIGIT P4 NA TAAS-PRESYO SA LPG, SUMALUBONG SA AGOSTO
Sinalubong ng taas-presyo sa produktong liquefied petroleum gas (LPG) ang publiko sa unang araw ng Agosto, maliban sa bigtime na taas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa isang advisory, sinabi ng Petron Corp. na nagtaas ito ng
presyo ng LPG ng P4.55 kada kilo, at AutoLPG ng P2.54 kada litro.
Habang ang presyo naman ng LPG na may tatak ng Solane ay
nagtaas ng P4.55/kg VAT inclusive simula Agosto 1, 2023 sa ganap na 6 a.m.
Ang iba namang mga kumpanya ay hindi pa nakakagawa ng mga
katulad na anunsyo para sa buwan.
Samantala, mababatid na ang pinakabagong mga pagsasaayos ay
dumating pagkatapos na ibalik ng mga kumpanya ang presyo ng LPG para sa mga
buwan ng Hunyo at Hulyo. /
0 Comments