DEPED, NILINAW NA HINDI MANDATORY ANG ONLINE CLASSES SA
PANAHON NG KALAMIDAD
Nilinaw ngayon ng Department of Education (DepEd) na ang pagdaraos ng online classes sa panahon ng kalamidad ay hindi mandatory.
Ito ay matapos ang pag-puna ng Alliance of Concerned
Teachers (ACT) sa naging pahayag ni DepEd Spokesman Michael Poa na tanging in
person classes lamang ang suspendido sa panahon ng kalamidad, upang matiyak ang
patuloy na pagkatuto ng mga ito.
Dahil dito,
kinuwestiyon ni ACT Chairperson Vladimer Quetua kung paano makapagdaraos ng
online classes ang mga guro at mga estudyante kung masama ang panahon at
binabaha sa kanilang mga lugar.
Kaugnay dito nilinaw naman ni Poa na hindi naman ang ibig
sabihin ng kanyang pahayag na kahit bumabaha na ay pinag-aaral pa rin ang mga
estudyante at sa mga pagkakataon lamang aniya na hindi gaanong malakas ang ulan
ngunit kailangang magsuspinde ng in person classes, ipapatupad ang alternative
delivery modes.
Samantala, mababatid na sa ilalim ng DepEd Order 37,
otomatikong suspendido ang in-person at online classes mula sa kindergarten
hanggang Grade 12, gayundin ang trabaho sa mga pampublikong paaralan sa lahat
ng lugar sa panahon ng anumang public storm signal. /
0 Comments