Nasa mahigit 21 milyong mag-aaral na ang nakapag-enroll ilang araw bago ang opisyal na pasukan sa mga pampublikong paaralan sa School Year 2023 hanggang 2024, ayon sa Department of Education.
Nitong Sabado, Agosto 26, umabot sa kabuuang 21,029,531
ang nakapag-enroll na sa Learner Information System ng DepEd sa bansa.
Nangunguna ang Region 4A na may pinakamaraming enrolled
students na nasa 3,323,943, pumangalawa ang NCR- 2,437,041, at Region 3-
2,394,421.
Samantala, nakatakda na sa Martes, Agosto 29 ang
pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan habang ang pasok sa ilang
pribadong paaralan ay nagsimula na. |
0 Comments