Aminado si Pres. Ferdinand Marcos Jr., na ang supply ng bigas ang pinaka-kritikal na problema ng bansa.
Ayon sa Pangulo,
tinatrabaho na ngayon ng gobyerno ang problema sa bigas sa tulong ng ilang
pribadong sektor.
Napag-alaman na si
Marcos din ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) at naunang nangako na
pababain sa ₱20 ang
kada kilo ng bigas.
Sa kabila nito,
tiniyak naman ng Presidente na patuloy nilang sosolusyunan ang isyu ng bigas.
Samantala, tuwing
linggo ay nagpapatawag ng sectoral meeting ang Pangulo sa Malacañang at kasama
sa mga pinag-uusapan ang isyu ng bigas. |
0 Comments