AKTRES NA SI LOVI POE, KASAL NA SA BRITISH MOVIE PRODUCER BOYFRIEND







Ikinasal na ang aktres na si Lovi Poe sa British movie producer boyfriend nitong si Montgomery Blencowe. 

Mababatid na ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Cliveden House sa England - makasaysayang lugar na itinayo noong 1666 ni Duke Buckingham. 

Kaugnay dito, sa social media account ng actress ay ibinahagi nito ang ilang mga larawan at videos na kuha ng kaniyang kasal, na dinaluhan ng mga sikat na personalidad na sina Senator Grace Poe, Brian Poe Llamanzares, Vicki Belo at asawang si Hayden Koh , Bela Padilla, Rhian Ramos, Tim Yap at ilang mga malalapit na kamag-anak. 

Matatandaan na Disyembre 2020 ng maging engaged na ang dalawa at nitong Agosto 8, 2023 lamang inanunsiyo ng actress ang engagement. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog