COMELEC GUN BAN, IPAPATUPAD NA BUKAS


 

Kasabay ng pagsisimula ng Election Period bukas, Agosto 28, ipapatupad din ng Commission on Election ang Gun Ban.

Dahil dito, suspendido rin ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR).

Papayagan lamang magdala ng armas ang mga law enforcement personnel at ang mga nabigyan ng certificate of authority na inisyu ng Committee on the Ban on Firearms & Security Concerns (CBFSC).

Samantala, iminandato naman ng PRO-6 na hulihin ang mga indibidwal na may dalang armas at walang maipakitang kaukulang dokumento na exempted sa gun ban. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog