DATING PBB WINNER, USAP-USAPANG NAKIPAGHALIKAN UMANO SA IBANG AFAM

 



Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pagkikipaghalikan ng dating “Pinoy Big Brother” Grand Winner na si Lie Reposposa sa isang dayuhan.

Sa isang video na viral, nakuhaan ang umano’y pakikipaglampungan ng isang babae sa isang afam habang kasama nito ang ilang mga kaibigan sa bar.

Pinagpyestahan naman ito ng mga netizens sa ilang social media sites matapos na magkomento ang ilan na kahawig ni Lie ang babae sa nasabing video.



Ngunit, hindi naman matukoy at makumpirma kung totoo ngang si Lie ang babaeng nasa video dahil sa medyo malabo at malayo pa ang kuha ng video.

Hindi rin umano tiyak kung ang lalaking kahalikan nito ay ibang afam o ang kasintahan nitong si Paul Joshua.

Samantala, mas lalo pang nadiin ang pangalan ni Lie nang mag-post umano ng komento ang kaniyang British boyfriend sa TikTok ukol dito.



“It’s crazy, we are engaged. We tell the public we are not because of her management but we are meant to get married in the new year. Can’t believe it,” mababasa sa pahayag mula sa isang TikTok account na “coolguy032904” na pagmamay-ari umano ng afam na jowa ni Lie.

Kaugnay nito, wala pang naging pahayag ang dating PBB winner ukol sa isyu.

Matatandaang nilinaw ni Lie na hindi pa sila engaged ng kaniyang foreigner boyfriend sa morning talk show na “Magandang Buhay” kundi isang “promise ring” umano ang ibinigay sa kanya ng kasintahan. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog