GEOGRAPHICAL INFORMATION SYSTEM, GAGAMITIN LABAN SA DENGUE

 


GEOGRAPHICAL INFORMATION SYSTEM, GAGAMITIN LABAN SA DENGUE

Ni Jurry Lie Vicente

 

Nais ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na palakasin ang kampanya laban sa Dengue sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. 

Ayon kay SB Member Phillip Yerro Kimpo Jr., maaaring magamit ang Geographical Information System (GIS) para sa epektibong Municipal Dengue Control Program.

Aniya, makatulong ang GIS na mapigilan ang Dengue Virus dahil ginagamit din ito ng mga Local Government Units sa ibang LGUs tulad ng Cebu at Quezon City.

Dahil dito, maaari aniyang kikita ang mga hotspots kung saan nagpaparami ang mga lamok.

Napag-alaman na ginagamit ang GIS sa pamamagitan ng pag-overlay ng mga record ng lugar na may mataas na Dengue Cases sa mapa it Water Ways gayundin ang Map of Population kung saaan nakikita ang lugar na posibleng breeding ground ng Dengue Virus Carrying Mosquitos.

Kaugnay nito, sinabi ni Kimpo na mayroong GIS ang LGU Kalibo at kailangan lamang makipag-ugnayan sa mga naturang lugar kung paano ang epektibong paggamit nito.

 

(via Doniel B. Aguirre/LGU Kalibo)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog