LGU KALIBO, NAIS MAGKAROON NG DIRECT FLIGHT SA PROBINSYA NG ALBAY

 


LGU KALIBO, NAIS MAGKAROON NG DIRECT FLIGHT SA PROBINSYA NG ALBAY

Ni Jurry Lie Vicente

 

Nais ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na madagdagan ang mga flights na dumadating sa Kalibo International Airport (KIA).

Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang LGU Kalibo sa iba pang mga lugar sa bansa para madagdagan ang mga dumadating na eroplano sa Paliparan.  

Kaugnay nito, isang resolusyon ang inaprubahan ng Sangguniang Bayan para kay Albay 2nd District Representative Jose Ma. Clemente “Joey” Sarte Salceda para magkaroon ng direct flights sa gitna ng Bicol International Airport at Kalibo International Airport na tatawaging Bicol-Boracay Express o “Mayon – Madyaas Route”.

Samantala, inihayag din ni SB Member Phillip Yerro Kimpo Jr. na maraming Bikolano ang gustong pumunta ng Boracay gayundin ang mga Aklanon na gustong makita ang Bulkang Mayon ngunit walang direkta na flight.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog